Tss. Dinadalaw na naman ako ni taglamig.
Yung dating *spark* na nakikita, nawala na yata.
Lahat na ata ng kapangitan, napuna ko na naman.
Nagtatakang naiisip, ito ba talaga ang pag-ibig ko?
Ngunit mahal ko pa siya, pag-ibig ko’y wag sanang husgahan.
Marahil nga’y lilipas din ang ganitong sitwasyon. Wag magpadalus-dalos.
Baka naman kasi likha lang ito ng aking kagustuhang kumawala sa matinding buhol ng pag-ibig ko sa kanya.
At…kung ako noo’y lumaban, at ngayong ako naman ang nasa bingid ng katapusan, ipaglalaban niya rin kaya ako ngayon?
Lalo pa’t sa buhay niya’y tila pangatlo na lamang ako.
Hahaha….ang lamiiiiig talaga…bbbrrrr….
