Liko doon, liko dito.
Taas at biglang baba.
Ikot at tsaka tutuwid.
Bibilis hanggang sa babagal.
Parang roller coaster.
Nakakahilo naman! Hindi ka ba napapagod?
Pero kahit ganito ka-kumplikado pagmamahalan natin,
SALAMAT pa rin!
Napakarami ko naman natutunan sa paliku-liko at taas-baba na pagsasama natin e.
Sapat na ‘yon!
Basta kasama kita. Palagi namang masaya.
Masaya dahil nalalagpasan naman natin ang bawat climax.
Iyon naman ang mahalaga. Yung hindi ka sumusuko sa bawat ikot-tuwid at bilis-bagal ng ride ng ating pagsasama.^^
