Tanga ka Inday

Posted: January 22, 2011 in lab layp.., si wating, trip trip la-ang..
Tags: , ,

Hoy Inday. Ano bang nangyayare sayo Inday. Hindi mo na naman binabatayan ang puso mo Inday. Mahiya ka naman Inday! Masokista ka ba?

Oo, Inday. Hindi ko nakakalimutan ang ginawa sayo nang dati mong nobyo na si Tomas. Hindi ka pinahalagahan. Pakiramdam mo’y lagi mong pinagsisiksikan ang sarili mo sa kanya. Palibhasa’y masyado kang emosyonal Inday. Hindi mo makalimutan yung pagkakataon na tinatawagan mo siya at naiinis si Tomas dahil naiistorbo mo siya. Ang mga pagkakataong palagi siyang nagsisinungaling. Mga pagkakataong nahahalata mong tamad na tamad si Tomas sa relasyon nyo. Akala mo ba ikaw ang laging kawawa? HINDI ‘NO!

Manhid ka kasi. Kita mo nang busy si Tomas sa kanyang pag-aaral, HINDI MO BA NAIINTINDIHAN YON? Tanga ka Inday. Magnobyo palang kayo. Hindi kayo mag-asawa.

Malamang Inday hindi ka sasang-ayon sa sinabi ko. Malamang idadahilan mo, “naiintindihan ko naman yun! Gusto ko lang yung sinasabi niya nang maayos at hindi yung binabastos niya ko! Gusto ko lang namang maramdamang mahalaga ako para sa kanya”.

Tanga ka pa rin Inday. Ilang taon ka pa lang? Ilang taon pa lang si Tomas? Kung sa iyo mahalaga ang commitment, pwes kay Tomas hindi! Alam ko namang alam mo iyon. Si Tomas, manhid din kagaya mo. Nakipagnobya siya, pero hindi niya alam ang kalakip na responsibilidad nito.

Sabagay Inday, tapos na nga naman yung ay Tomas. Natuto ka na naman. Na mahirap pumasok sa isang relasyon. E ano na naman Inday ang inuungot-ungot mo ngayon? Ano? Pinapabayaan mo na namang mahulog yang iniingat-ingatan mong PUSO? At kanino? Kay Berto? Si Berto na hindi mo pa nga alam kung seryoso talaga sayo. Inday matuto ka na!!! Ha ha. Sarap mo ihulog sa bangin kasama nang puso mong hinahayaan mo ding mahulog. Tapos ngayon matatakot-takot ka? Tanga. Ha ha ha.

Sige na Inday, hindi na nga ko makikialam. Payo ko lang Inday, pakiingatan mo na yang puso mo Inday. At isa pa, bata ka pa para masyadong pagtuunan ang mga ganyang problema. Mas mabuti pang pagtuunan mo na lang ng pansin yang pimples mo na ayaw lubayan ang maputi mong mukha! Ha ha!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s