Naranasan nyo na bang matusok ng kutsilyo…
…sa puso? Ako maraming beses na. Isang milyong karayom.
Naranasan nyo na bang umiyak…
…nang ilang oras? Ako ilang beses na. Balde-balde pa.
Naranasan nyo na bang magmahal…
…nang sobra-sobra? Ako isang beses pa lang.
Isang beses na itinakda ng kagustuhang magtagal sa magpakailanman. Ngunit paano tatagal ang isang hangarin kung ang puso’y walang laban? Kung ang puso’y tigang sa pag-asa? Paano?
Ang tiwalang nayurakan na nang nakalipas. Kailan matututo? Kailan matatanto? Pag-ibig. Pag-ibig na walang wagas. Pangarap. Isa na nga lang ba talagang pangarap?
Ang pagtusok nang kutsilyo na unti-unting nagdadanak ng dugo sa bawat ugat na nananalaytay sa buong katawan. Ang bawat pagdaloy ay naghahagod sa pagkatao.
Mangmang na pag-ibig. Mangmang na kaisipan. Patuloy lumalaban sa tulong ng Ama.
Nakakatawa, dati karayom lang tumutusok sakin, ngayon, KUTSILYO na. Alam nyo yung pakiramdam na pagkagising mo, ang sakit ng puso mo, tapos parang wala ka ng dahilan para bumangon pa. Ang drama no? Pero ,mas pipiliin ko ng sabihan ako ng mga tao na “madrama”, “emo” at “korny” kaysa mamatay ako dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Sabi ng mga mahal kong kaibigan. “madaming lalaki diyan!”
OO NGA. madami ngang lalaki diyan, pero siya lang minamahal ko ng ganto.
Pero masaya na siya, may nilalandi na nga e, ang bilis no? After three days may kapalit agad ako? Ha ha ha.
Hindi madali yung sabihan ka ng mga salitang, “Hindi ko kayang mawala ka!”, “Huwag kang mawawala, please?”, “Ikaw lang ang mamahalin ko.”, “hinding hindi na kita sasaktan kahit kailan” tapos sa huli BABAWIIN DIN PALA.
Alam nyo yun? Nakakainis? Yung mga lalaking nagmamakaawang sagutin mo sila, na mahalin mo sila, pero sa huli sila rin pala mang-iiwan?
Pero siguro nga pinakita ni God kung anong klaseng lalaki siya para sabihing, “Hindi siya para sa’yo, may lalaking magmamahal sa’yo ng tunay.”
Gusto kong magpasalamat sa mga kaibigan kong walang sawang nakikinig sa paulit-ulit kong istorya. Kayo kasi ang nagpapalakas sakin at nawawala sa isip kong I’m worthless.
)
I guess after a month, a few months, a year, a decade–I could moved on.
God is enough, at sobrang nagpapasalamat ako sa Kanya dahil alam kong hindi Niya ako pinapabayaan. Well, this is me, signing in.

haha. bigla kong naalala. bakit ko nga ba tinigil magcomment dito?
nakalimutan ko na tlaga. XD … aun. sana buksan mo wordpress mo. tapos makita mo ito. tapos magugulat ka. kasi bakit nandito itong comment na ito, na wala namang kinalaman sa naturang post sa itaas? ewan. baka stressed lang ako. or for some other reason. for which that, i can’t know.
10 days had passed since your birthday. at marami akong nagawang hindi tama sa araw na iyon. lam mo ba, gusto kitang kausapin nun? sayang, at lahat ng chances ko para magawa un, nawala. andami ko ring gusto sana ikuwento sa iyo. haha. well, namimiss ko na rin yung dati ah.
sige na. ako na may kasalanan. sorry. yung word pa na iyon na hindi ko talaga masabi ng personal sa iyo.
I am presently overflowing with thoughts and emotions. and for that reason, i cannot write as much as i want here. grabe ang nararanasan kong nostalgia kapag nakikita ko blog mo, mukha mo, everything. nakakahanap nga ako minsan ng correlation sa mga bagay na wala namang kunek sa iyo eh. haha, nakakatawa kaya.
BAT DI KA KASI NAG ARAL SA PUP! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAARRGHHH!!
(i could use a strong interjection here. but i won’t.)
i am continuously tormented by the past. believe me. I couldn’t believe it myself.
I can’t admit that i, still, am locked, and bound to it.
…
pasensya na. hirap na rin kasi ako magvent sa tunay na buhay.
natatakot ako Diwata. baka mawala na kasi ng tuluyan yung Mark na kilala mo.
pero hindi ko alam. baka matagal na siyang nawala… hindi ko talaga alam.
—–
pero medyo masaya akong malungkot ngaun. kasi nde ka na nag boblog.
ergo, kuntento ka na sa buhay mo. aus yan.
will you promise me to continue as that? I hate to see you sad. Even I, hate myself for making you cry. it must be for that reason, that i did abandon myself. i don;t know.
—–
masarap yung pagkain nung birthday mo. natuwa ako sa lumpia. sa chicken. natuwa ako sa videoke. natuwa ako sa pagaagawan natin ng microphone. medyo kinilig ako dun. natuwa ako sa damit mo. i like it. promise. red. dapat pala talaga yung blue na polo ko snuot ko. alam mo bang yung suot ko nung araw na iyon is yung suot ko paggaling ko ng boarding haus>? so parang 1 1/2 day na suot ko yun. yak. natuwa ako sa walang katunohang pagkanta mo. na puwede namang ayusin. natuwa ako sa lahat.
wala akong regalo. naiggit ako sa kanila kasi may regalo sila sa iyo. bummer.
but i didn;t care for all of that. I only wanted to be with you that time. too bad, time won’t hold back for a dumb pessimistic idiot like me.
you really felt so far. away. that time. very far. so far that even my will can’t even reach.
kilala mo pa ba ako? ikaw kasi, baka hindi na kita kilala.
…
nagbago ka na ba Diwata?
ako kasi, oo.
—-
pero, like what i’ve said, i’m still bound to the past.
i cannot and will not be free from it. so whatever the case. pag naghanap ka ng taong may pangalang Mark, existent pa yun.
well. i should end my monolouge here. tutulo na sipon ko, nde ko pa pinupunasan eh. at isa pa, 02:18 na. may swimming pa ako mamaya, Finals.
tsk. mamamatay talaga ako sa ginagawa ko.
haha, maganda yun, para kapag may chance na mabuhay ulit ako, mas maayos na akong nilalang.
cge. goodnight. sweetdreams to me.
ingat lagi. God bless. stay safe.
reply. Please. I ain’t posting this here for nothing in return you know?